(AFP)— Mag-ingat sa manloloko. Ito ang mensahe ng Chilean miners sa 12 binatilyong Thai at kanilang football coach kasunod ng matinding dinanas sa 18 araw na pagkakakulong sa kuweba.

Hindi pa man nakalalabas ng kuweba ang Wild Boar football team players sa dramatic escape mission na nagtapos nitong Martes, nakaabang na ang Hollywood producers para gawin itong pelikula.

Walong taon na ang nakalipas, 33 Chilean miners ang nakulong sa ilalim ng lupa sa loob ng 69 araw matapos gumuho ang minahan sa Atacama desert. Ang kanilang sinapit ay isinapelikula at pinagbidahan ni Antonio Banderas. Ngunit kahit na kumita ang “The 33” ng $25 milyon sa box office, walang natanggap na kahit isang sentimo ang mga minero.

“Hopefully they’ll make a film, a television series, a best-selling novel, but that they do it well, that they are smart and don’t get taken for a ride by fraudsters,” sinabi ni Mario Sepulveda, na ginampanan ni Banderas sa “The 33”, sa AFP.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang mga bata ay nasa 11 hanggang 16 taon gulang at maging ang kanilang coach ay 25 anyos lamang, samantalang ang Chilean miners ay pawang may edad na.

“The most important thing is that the authorities and their families protect these kids because many people just want to take advantage,” sinabi ni Luis Urzua, isa pang minero.