Laro Ngayon

(MOA Arena)

7:00 n.g. -- Globalport vs Rain or Shine

MAKUMPLETO ang malaking upset ang tatangkain ng Globalport sa pagsagupa nilang muli sa top seed Rain or Shine ngayong gabi sa kanilang do or die game sa pagpapatuloy ng quarterfinals ng PBA Commissioners Cup sa MOA Arena.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Isinalba ng basket ni Jonathan Grey sa huling 11 segundo ng laro ang Batang Pier kontra Elasto Painters, 114-113 para burahin ang twice to beat advantage ng ROS.

Inaasahan ni Batang Pier coach Pido Jarencio na mas hihigitan pa ng kanyang koponan ang intensity ng laro na ipinakita nIla sa unang laban.

Gayunman, inaasahan na nila ang pagbawing gagawin ng Elasto Painters upang di masayang ang pinaghirapan nila noong nakaraang elimination round.

Inaasahang isa sa mag-i-step-up para sa ROS si Maverick Ahanmisi na sinisi ang sarili sa naunang pagkatalo.

“That’s definitely on me, “ ani Ahanmisi.

“I’m not taking away the fact that I missed crucial free throws, definitely something I gotta work on leading up to the next game. Like I said, it shouldn’t have even gotten up to that point,” aniya.

“That game is on me, definitely, for missing the free throws. If I made those, it would have been over,” ayon pa sa 5-of-10 gunner.

Kaya naman sa pagkakataong ito, determinado siyang makabawi.

“Definitely determined. I mean, nobody wants to miss free throws in a crucial moment, especially being the top seed,” aniya.

-Marivic Awitan