Humingi ng tawad nitong Martes ng gabi si Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos, matapos ang kanyang mga kontrobersiyal na pahayag hinggil sa aral at katauhan ng Diyos ng Simbahang Katoliko.

Bagamat nilinaw ng Pangulo na iba ang kanyang Diyos sa Diyos ng kanyang mga kritiko, umaasa umano siyang tatanggapin ng Diyos ang kanyang paghingi ng tawad, dahil ang Panginoon ay “all forgiving”.“If it is the same God, then I’m sorry that’s how it is. ‘Yan ang sinabi ko. Sorry God. I said sorry God if God is taken in a generic term by everybody listening,” pahayag ni Duterte sa kanyang pakikipagharap sa Jesus Is Lord (JIL) leader na si Bro. Eddie Villanueva, sa Malacañang, nitong Martes ng gabi.

‘ALL FORGIVING’

“I only apologize to God, nobody else. If I wronged God, then He would be happy to listen to my apology. Why? Because God is all forgiving. Why? Because [God] does not remember past hurts. Why? Because God created me to be good, not to be bad,” dagdag pa ng Presidente.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bago humingi ng paumanhin, ipinaliwanag ng Pangulo na ang kanyang naging pahayag hinggil sa Diyos ay tugon, aniya, sa aksiyon ng foreign missionary na bumabatikos sa kanyang pamamahala. Tinutukoy niya ang Australian missionary nun na si Sister Patricia Fox, na nahaharap sa deportation dahil sa umano’y pakikiisa nito sa mga protesta at pulitikal na aktibidad sa Pilipinas.“As a religious, she was agitating also everybody there, the strikers. It was a volatile situation,” ani Duterte.

Muli rin niyang binalaan ang mga religious leader na tigilan na ang paggamit sa Diyos upang atakehin o batikusin ang pamahalaan, kasabay ng paalala sa prinsipyo ng paghihiwalay ng Simbahan at estado.“Remember there is a division between Church and state. You can criticize us anything at all from the garbage collector to the generals and all and even to the Vice President and senator...but never, never use the name of God as a front to attack government because that is not the proper way to do it,” giit ni Duterte.

‘MOVE ON’

Kaugnay nito, pinayuhan nina Senators Panfilo Lacson at Joel Villanueva ang publiko na mag-“move on” na kasunod ng paghingi ng tawad ni Duterte.

“I can only thank God for enlightening our President to make that humble apology,” saad sa text message ni Lacson.

“It shouldn’t matter much if it was my God or his God he is apologizing to because there is only one God of the universe anyway. We can now move on while praying for his continued enlightenment,” sabi ni Lacson.

Umaasa naman si Villanueva, anak ni Bro. Eddie ng JIL, na matutuldukan na ang isyu sa Diyos ng Pangulo, at idinagdag na “only the Lord, our God, can judge our sincerity”.

-Genalyn D. Kabiling at Leonel M. Abasola