NANGIBABAW sina Filipino Ernesto Malazarte at American Marc Dicostanzo II sa 202 players 9-Round Swiss format para magsalo sa top honors sa katatapos na 46th annual World Open Under -2200 Chess Championships na ginanap sa Philadelphia Marriott Downtown sa Market Street, Philadelphia, Pennsylvania.

Tinalo ni Malazarte si Kanan Hajiyev habang angat naman si Dicostanzo kay Hajiyev Davis Zong Jr., sa final round. Tumapos ang dalawang manlalaro na may tig-walong puntos para makatangap ng tig US$9,000 champion prize.

Ang ipinagmamalaki ng Tacloban City,Leyte na si Malazarte ay isa sa top player ng San Antonio Chess Club sa San Antonio, Texas at miyembro ng Philippine Executive Chess Association (PECA). Siya din ay chess instructor sa San Antonio, Texas.

“But with some luck, my good health and condition, my experience still prevailed in the games I [played]. It was a strong tournament,” pahayag ni Malazarte, tinanghal na United States Chess Federation (USCF) Master title noong 2012.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang torneo ay inorganisa ng Continental Chess Association sa pangangasiwa ni Bill Goichberg, dating pangulo ng US Chess Federation