TOKYO (AP) — Binigyang diin ng isang mataas na opisyal ng United Nations na nagbibisita sa North Korea ang problema sa malnutrisyon, kakulangan ng inuming tubig at mga gamot na kinakaharap ng bansa.

Sinabi ni Undersecretary General for Humanitarian Affairs Mark Lowcock sa news conference sa Pyongyang nitong Miyerkules na marami na ang progreso sa nakalipas na 20 taon ngunit “significant humanitarian challenges” remain. Inilabas ng UN ang transcript ng kanyang mga pahayag.

Sinabi ni Lowcock na halos 20 porsiyento ng mga bata ay stunted dahil sa malnutrisyon, at halos kalahati ng mga bata sa kanayunan ay umiinom ng kontaminadong tubig. At dahil nagpapahirap sa paggamot sa mga tao ang kakulangan sa medisina at medical supplies and equipment.

Sinisikap ng UN na makalikom ng $111 milyon para sa North Korea. Ayon kay Lowrock, 10 porsiyento pa lamang ang nalilikom, mula sa Sweden, Switzerland at Canada.
Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national