Mga Laro Ngayon

(JRU Gym, Mandaluyong)

2:00 n.h. -- JRU vs Mapua-MHSS

4:00 n.h. -- JRU vs Mapua

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

BALIK ang aksiyon sa NCAA Season 94 matapos ang kanselasyon ng laro nitong Martes bunsod ng banta ng bagyong ‘Gardo’ para sa Campus Tour ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.

Host ang Jose Rizal College sa unang tirada ng NCAA On Tour na tatampukan ng duwelo sa pagitan ng Heavy Bombers at Mapua Cardinals ganap na 4:00 ng hapon.

Magtutuos ang kanilang junior squads sa 4:00 ng hapon.

Sa pagkawala ng mga key players na sina Tey Teodoro, Ervin Grospe at Abdulrazak Abdulwahab, dumaraan ngayon sa proseso ng rebuilding ang Heavy Bombers.

Kaya naman aminado si coach Vergel Meneses na hindi siya umaasa ng mataas na level ng performance sa kampanya ng team.

“(What I want is) just a good showing,” pahayag ng dating PBA star. “I will be happy if we make the Final Four. But we’re on a rebuilding process. I have to admit, we’re not going to put on a good showing this year. I have to be frank.”

“I have more or less four holdovers from last season. I’m not expecting too much from them because it’s relatively a new team,” aniya.

Sa kabila ng pagkawala ng ilang key players, puntirya naman ng Cardinals na umabot ng semifinals.

“For now, I am hoping we can make it to the Final Four,” sambit ni Cardinals coach Atoy Co “But at this time, [we’re taking it] one game at a time.”

“If last year was about the post- Oraeme era, there will also be some significant changes this season. Top gunner Andoy Estrella is no longer with the team as well as standouts Leo Gabo and Almel Orquina. With the departure of those players who usually carried the offensive load for Mapua, it’ll be interesting to see how the team will adjust.”

“I hope that our veterans show up. I have a lot of new players that you can’t take for granted,” dagdag ni Co. “My principle is I won’t rely on anyone, I’ll rely on everyone.”

-Marivic Awitan