Pinayuhan kahapon ng Department of Health (DoH) ang publiko na magdoble-ingat kontra dengue matapos na dumami ang dinapuan ng nakamamatay na sakit sa bansa ngayong taon.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo na sa Metro Manila pa lamang ay umabot na sa 7,200 dengue cases ang naitala ngayong taon.Mas mataas, aniya, ito ng 25% kumpara sa 5,800 kaso sa kahalintulad na petsa noong 2017.

Dumami rin ang kaso ng dengue sa Ilocos Region sa 80%; at Cagayan Valley, 66%, kumpara noong nakaraang taon, habang dumami rin ang na-dengue sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, at Northern Mindanao.

-Mary Ann Santiago
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists