(AFP) – Umakyat na sa 264 ang bilang ng mga namatay sa apat na buwang paglansag sa mga protesta laban sa gobyerno sa Nicaragua, sinabi ng Inter-American Commission on Human Rights nitong Miyerkules.

‘’As recorded by the IACHR since the start of the repression against social protests, to date, 264 people have lost their lives and more than 1,800 have been injured,’’ sinabi ni commission chief Paulo Abrao.

Nagsasalita siya sa pagupulong ng Organization of American States – na kasali ang IACHR – tungkol sa sitwasyon ng magulong bansa sa Central America, kung saan nais ng mga nagpoprotesta na patalsikin si President Daniel Ortega.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture