LAKING pasasalamat ni Edgar Allan Guzman dahil pasok bilang isa sa official entries sa second edition ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang pelikula niyang Pinay Beauty.

Edgar Allan copy

Produced ito ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso, MJM Productions at Epic Media. Tampok si EA rito, at kasama rin sa pelikula sina Chai Fonacier (2nd EDDYS Awards’ Best Supporting Actress), Janus del Prado, Nico Antonio, Maxine Medina, at maraming iba pa.

Ang suwerte lang ni EA sa mga local film festival. Sa katatapos na Cine Filipino, pumasok din bilang entry ang Mata Tapang ni Direk Rod Marmol. Sa PPP 2018, pasok naman itong Pinay Beauty.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Blessed lang at siyempre, thankful ako sa mga blessing na dumarating. Kumbaga, ang saya lang dahil nasasakto ‘yung mga pelikulang ginagawa ko, nakakapasok sa isang festival,” nakangiting pahayag ng award-winning actor.

“So mas maraming makakapanood, mas maraming makakaalam na may ginawa pala akong pelikulang ganito. So, thankful lang ako and sana hindi ito maubos. Sana mas marami pang susunod and hopefully, hindi ito ‘yung huli.”

Sumakto rin ang kanyang bagong pelikula sa pagse-celebrate niya ng 12th anniversary niya sa industriya. Taong 2006 nang hirangin siya bilang grand winner ng “Mr. Pogi” ng Eat Bulaga.

“Actually, halos nagsasabay-sabay as I celebrate my 12th year in showbiz. Natapos na ‘yung Mata Tapang tapos ito ngang Pinay Beauty. Tapos may mga nomination ako sa iba’t ibang award-giving bodies. And then may teleserye (The Stepdaughters with Megan Young, Katrina Halili and Mikael Daez) akong ginagawa. So kumbaga, nagkasabay-sabay. I’m just so happy, blessed and thankful.”

Nu’ng Lunes ng gabi, July 9, dumalo si Edgar Allan sa awards night ng 2nd EDDYS (Entertainment Editor’s Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa The Theater at Solaire. Nominado siya bilang Best Actor sa role niya sa Deadma Walking ng T-Rex Entertainment.

Aminado naman ang 30-year old multi-awarded actor na kabado siya sa tuwing nakatatanggap siya ng nominasyon.

“Kinakabahan,” mabilis na sagot ng aktor. “Pero ako kasi ‘yung taong hindi talaga ako nag-e-expect. Dumating ako para mag-present ng award. Andu’n ako para ibalik sa kanila ‘yung paglagay nila sa akin sa Best Actor category. Enjoy lang tayo roon pero siyempre, kinakabahan.

“Walang expectations. Na-appreciate ko na ‘yon, kumbaga, natutuwa pa nga ako dahil kahit nomination pa lang, okay sa akin kasi it means na napansin nila ‘yung ginawa kong trabaho.”

Hindi ba siya nade-depress kapag hindi nananalo?

“Hindi naman po. Respeto ko sa mga nakalaban ko roon, respeto ko sa mga nanalo. Lahat naman sila magagaling. Hindi kailangang ma-depress, hindi kailangang ma-disappoint kasi it’s a blessing kahit nomination lang,” paliwanag ng binata.

-LITO T. MAÑAGO