IBINASURA ng Court of Appeal ang petisyon ni dating Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco hingil sa halalan na iniutos ng Pasig Regional Court na nagluklok kay Ricky Vargas.
“The Court resolves to DENY the Motion for Reconsideration of the petitioners and to GRANT the motion to dismiss of the respondents,” ayon sa nasabing resolusyon na dinesisyunan mismo ni Associate Justice Maria Filomena Singh nitong Hunyo 28.
“I am naturally heartened by the decision even as we were actually planning to file a petition to dismiss the case. But the fact that the Court of Appeals took it upon itself to render this decision-and with prejudice, at that – I am more than delighted,” pahayag ni Vargas.
Ang nasabing kaso ay hindi na maaari pang iapila ng kampo nina Cojuangco sa parehong korte kailanman.
Sinabi pa ni Vargas na mas mapagtutuunan na ng kanyang pamunuan ang paghahanda ng bansa para sa Asiad at sa hosting ng bansa sa 2019 Southeast Asian Games, gayung wala na siyang iintindihin na kaso pa hinggil sa kanyang pag-upo bilang presidente ng POC.
“ I have long moved on and have been focusing on the tasks at hand, even working with those who disagreed with us in the past. I look forward to seeking solutions to the many issues facing Philippine sports,” aniya.
-Annie Abad