NAUNA nang bumiyahe palabas ng bansa si Alden Richards para mag-taping ng ilang mahahalagang eksena ng action serye niyang Victor Magtanggol.

Nitong Lunes, isa pang cast member ang sumunod kay Alden dahil sila ang magkakaeksena. Ang balita namin, pati si Coney Reyes ay makakasama ni Alden sa taping abroad.

Nine to 10 days ang shoot nina Alden sa ibang bansa, kung saan may malaking partisipasyon ang snow. Kapag umere na ang Victor Magtanggol, malalaman na kung bakit may mga eksenang kailangang kuhanan sa ibang bansa.

Samantala, bukod kina Coney, Yuan “Pao Pao” Francisco, Pancho Magno at John Estrada, kasama rin sa cast ng Victor Magtanggol sina Al Tantay, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, Kristoffer Martin, Lucho Ayala, Benjie Paras, at Freddie Webb. May special participation, pero matagal pa bago lumabas ang mga karakter nina Christian Bautista, Sheena Halili, at Michelle Dee.

Events

Unica hija ng DongYan, nag-fan girling sa concert ni Olivia Rodrigo

Mapapanood ding muli sa telebisyon si Conan Stevens, ang aktor sa Game of Thrones na una nang napanood sa Encantadia ng GMA-7.

-Nitz Miralles