Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Meralco vs Ginebra

7:00 n.g. -- San Miguel vs TNT

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

GANAP na mawalis ang kani-kanilang serye upang makausad sa semifinals ang kapwa tatangkain ng sister teams Barangay Ginebra at San Miguel Beer sa pagsalang sa magkahiwalay na laro ngayon sa Game 2 ng best of 3 quarterfinals series ng PBA Commissioners Cup sa Araneta Coliseum.

Kapwa naipanalo ng Kings at ng reigning champion Beermen ang Game 1 ng kanilang laban noong nakaraang Lunes upang makalapit sa inaasam na semis berth.

Mauunang sasalang ang Kings ganap na 5:30 ng hapon kontra Meralco Bolts bago sumunod ang Beermen kontra TNT Katropa ganap na 7:00 ng gabi.

Para kay Kings coach Tim Cone kailangan nilang pag ibayuhin pa ang kanilang laro upang malusutan ang napakatinding depensa ng Meralco. Hindi sila puwedeng umasa na lamang na magpapasok ang kanilang mga tira kung gusto nilang manalo.

“They’re (Meralco) is a great defensive team, and we had to make really great shots to win, and you don’t really want to rely on great shots to try to win a game. They’re low percentage, they go in and everybody’s happy, they don’t and you’re in trouble,” pahayag ni Cone matapos ang 88-81 panalo sa Game 1.

Para naman sa Beermen, magtatangka silang muling manaig at maulit ang naitalang 121-110 comeback win kontra Katropa para patuloy na buhayin ang tsansang maidepensa ang korona.

Ngunit, batid nilang hindi magiging ganun kadali lalo pa’t napakahusay at matalinong lumaro ang import ng TNT na si Joshua Smith.

“Sobrang laki niya, sobrang lapad niya, ang laki ng space na nakukuha niya sa loob,” ayon kay reigning league MVP Junemar Fajardo. “Ang galing niya pumuwesto, galing niya pumasa, sobrang disiplina siya sa opensa nila, hindi siya nagmamadali. Tinitignan niya. Kung walang help, one on one, kayang kaya niya.

“Respeto sa kanya. Sana next game makuha ulit namin yung panalo.”

-Marivic Awitan