NAGANAP nitong Lunes ng hapon ang one-on-one meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Catholic Bishops Conference of the Philippines President Archbishop Romulo Valles, at kasunod nito ay nanawagan ng pananalangin at fasting ang Simbahan.

Regine copy

Bago pa ito, nag-post si Regine Velasquez ng personal view niya tungkol sa paniniwala ni Presidente sa Diyos.

Walang sinabing masama si Songbird, at hindi niya siniraan si President Duterte, kundi naglahad lang siya ng sarili niyang pananaw. Kaya siguro hindi rin negative ang feedback sa tweet niya ng supporters ng Presidente.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa huli, sinabi niyang patuloy niyang ipinagdadasal ang Pangulo, partikular sa pamamahala nito sa bansa.

“Nalulungkot na talaga ako. Hindi ako mahilig makialam sa mga ganito, pero Mr. President kuha na po namin na hindi kayo naniniwala kay GOD. Pero marami po sa amin ang naniniwala sa kanya. Hindi naman po namumulitika si God kaya wag na po natin siya idamay,” tweet ni Regine.

“But still I pray for you. May GOD bless you and may HE show you the right way to lead our country. In Jesus name I pray...”

Hindi lang naman si Regine ang may ganitong reaction, na humihiling na huwag nang dagdagan ni President Rody ang mga pahayag tungkol sa Diyos, dahil nasasaktan ang mga Katoliko.

Harinawang tuluyan nang maging maayos ang lahat sa pagitan ng ating Presidente at mga taga-CBCP, sa lahat ng kaparian at Simbahan. Ito’y para hindi na nasasaktan ang mga Katoliko tuwing may pahayag si President Rody laban sa Simbahan at sa Diyos.

Samantala, maganda ang feedback ng Kapuso viewers sa two episodes ng The Clash, na hosted ni Regine. Kakaiba raw ang concept at ang sinusunod na mechanics para piliin ang magiging winner sa bagong singing competition ng GMA-7.

-NITZ MIRALLES