Sa ngayon ay wala pang indikasyon na may pulis na sangkot sa pagpatay sa mga lokal na opisyal, lalo na sa mga sangkot sa illegal drug trade, sinabi kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde.

Sinabi ni Albayalde na sinisilip nila ang naturang posibilidad sa gitna ng espekulasyon na isang well-trained marksman ang pumatay kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili nitong Hulyo 2.

“As of this time, there is no indication but are looking into that. We have our own counter-intelligence watch list but this is also being validated,” pahayag ni Albayalde.

Gayunman, inamin ng opisyal na base sa kanilang mga nagdaang operasyon, may ilang sinibak o dating pulis na naging mamamatay tao o contact para sa gun-for-hire activities.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Sa pagpatay kay Halili habang nagsasagawa ng flag-raising ceremony ay lumutang ang usap-usapan na posibleng pulis o sundalo ang suspek dahil sa istilo ng pamamaslang.

Napatay si Halili sa isang tama ng bala sa puso.

-Aaron Recuenco