Nakahanda ang gobyerno ng Pilipinas na magpadala ng humanitarian mission sa Japan sa gitna ng matitinding pagbaha at landslides bunsod ng malakas na bagyo.

Nag-alok si Pangulong Rodrigo Duterte ng grupo ng mga sundalo, engineers at doktor na sasali sa rescue at rehabilitation efforts sa mga binagyong lugar sa Japan, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Nangako rin ang Pangulo na magpapadala ng mga gamot sa Japan, na itinuturing nitong malapit na kaalyado sa ekonomiya at depensa.

“Offering Pinoy soldiers, including engineers and doctors, to help rescue and rehabilitation efforts in typhoon ravaged Japan,” tweet ni Roque.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Mahigit 120 katao na ang iniulat na nasawi at dose-dosena ang nawawala kasunod ng malakas na ulan at mga pagbaha sa central at timog kanluran ng Japan nitong weekend.

-Genalyn D. Kabiling