Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang panukalang P3.757 trilyon national budget sa 2019 para tustusan ang pamumuhunan sa infrastructure development, social services, at iba pa.

Inaasahang isusumite ang panukalang budget, mas mababa kaysa P3.767-T national budget noong nakaraang taon, sa Kongreso sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Hulyo 23.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang panukalang 2019 budget ay tinalakay at inaprubahan sa Cabinet meeting na ipinatawag ng Pangulo sa Malacañang nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Roque, P1.185-T ang mapupunta sa personnel services o 31.5 porsiyento ng 2019 proposed national budget.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

Ang iba pang major expenses para sa susunod na taon ay ang capital outlays na may P757.7 bilyon; allotment sa local government units, P640.6-B; maintenance expenditures, P562.9-B; debt burden, P414.1-B; suporta sa government owned and controlled corporations, P187.1-B; at tax expenditures, P14.5-B.

Nauna nang ipinahayag ng Department of Budget and Management (DBM) na ang 2019 national budget ay magiging annual cash-based budget para mapadali ang paghahatid ng mga programa at mapalakas ang pananagutan.

“This will effectively limit agencies to submit budget proposals reflecting payment of goods and services that will actually be delivered for the year,” sinabi ng DBM.

-Genalyn D. Kabiling