SINGAPORE -- Giniba ni International Master (IM) elect Edgar Reggie Olay ng Kidapawan City, North Cotabato si Aldrin Wong ng Singapore para magkampeon sa July edition ng Asean Chess Academy (ACA) Rapid Open Chess Championships nitong weekend sa Bukit Timah Shopping Centre.
Si Olay na isang chess instructor at chess teacher dito ay matagumpay na naisulong ang puting piyesa para talunin si Wong matapos ang 45 moves ng King’s Indian defense, Samisch variation sa twenty (20) minutes time control format tungo sa titulo ng one-day Rapid event na suportado ng Kasparov Chess Academy na inorganisa ni Fide Master (FM) Ignatius Leong.
Naibulsa ni Olay ang 300 Singapore dollar champions’ purse sa kanyang effort. Tumapos si Olay ng undefeated sa six games of play na may total output 5 points mula sa apat na panalo at dalawang draws.
Nagpakitang- gilas din si Filipino at United States Chess Federation (USCF) master Almario Marlon Bernardino Jr., na suportado ang kanyang kampanya ni Mandaluyong City ABC president at Barangay Malamig chairman Marlon Manalo na tumapos naman ng second overall na may 4.5 puntos.
Tumapos naman si defending champion Arena Grandmaster (AGM) at Fide Master (FM) elect Roberto Suelo Jr., former top player ng Barangay Malamig, Rizal Technological University (RTU) Mandaluyong chess team at Roy Marpaung ng Indonesia ng tigt- 4 puntos tungo sa third at fourth place, ayon sa pagkakasunod.
Ang iba pang nakapasok sa top-10 circle ay sina Jimson Bitoon ng Philippines, Richard Lean at Tan Yian Hau ng Singapore, isa pang dating pambato ng RTU na si Ronnie Tamares ng Philippines, Aldrin Wong at Leonidas Chua ng Singapore.
Si Singapore based Woman International Master (WIM) Jan Jodilyn Fronda ang nagsilbing chief arbiter kasama si Franz Grafil. Samantala ay nagpahayag si WIM Fronda na kagustuhan katawanin ang bansa sa nalalapit na 43rd Chess Olympiad mula Septeyembre 23 hanggang Oktubre 7, 2018 sa Batumi, Georgia.