PETERSBURG, Russia (AP) — Balik sa World Cup Finals ang France – sa unang pagkakataon – mula nang maganap ang kontrobersyal na headbutt ni Zinedine Zidane noong 2006.

NAGAWANG mangibabaw ni Samuel Umtiti (5) ng France para sa header na nagpanalo sa kanilang semifinal duel ng Belgium para makausad sa 2018 World Cup sa St. Petersburg Stadium sa Russia. (AP)

NAGAWANG mangibabaw ni Samuel Umtiti (5) ng France para sa header na nagpanalo sa kanilang semifinal duel ng Belgium para makausad sa 2018 World Cup sa St. Petersburg Stadium sa Russia. (AP)

May 12 taon ang nakalipas matapos ang hindi malilimutang insidente, ginamit din ni Samuel Umtiti ang ulo – sa pagkakataong ito – para maipanalo ang France kontra sa Belgium, 1-0, nitong Martes (Miyerkules sa Manila) sa all-European semifinals.

Nagdiwang at nagsayawan sa field ang mga miyembro ng France bago nila kinamayan si Thierry Henry, miyembro ng Les Bleus na huling nagkampeon noong 1998 World Cup, at ngayo’y tumatayong assistant coach ng Belgium.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Makakaharap ng France sa Finals ang magwawagi sa pagitan ng Croatia at England na nakatakdang magsagupa sa hiwalay na semifinal match a Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa Moscow.

Matikas din ang depensa ni France goalkeeper Hugo Lloris na nagawang mapigilan ang pagtatangkang goal nina Belgian Eden Hazard, Kevin De Bruyne at Romelu Lukaku.

Nabigo ang Belgium na makausad sa finals ng isang major tournament. Nagawa nilang umabot sa quarterfinals noong 2014 World Cup at European Championship noong 2016.

Ngayon, nagbubunyi ang football community para masaksihan ang laro sa championship ng France, binubuo ng mga players na may halagang mahigit US$1 bilyon, sa pangunguna ni teenage sensation Kylian Mbappe.

Noong 2016, luhaan ang French team nang maungusan ng Portugal 1-0 sa Euro title match. Noong 2006 World Cup, nagapi sila ng Italy sa penalty shootout sa larong tinampukan nang headbutting ni Zidane sa dibdib nang nakapikunang karibal na si Marco Materazzi. Hindi na muling naglaro sa koponan si