Pananagutin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ina ng batang iniwan sa loob ng sasakyan sa Pasig City, kamakailan.

Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, nakakabahala ang nasabing pangyayari dahil maaaring ikamatay ng bata ang pag-iwan sa kanya sa loob ng saradong sasakyan.

Inimbitahan na ang ina ng bata sa DSWD para ito ay mapanagot.

Ayon naman sa ina ng bata, handa siyang harapin ang anumang reklamo at iginiit na wala siyang nilabag na batas.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Nag-viral s a Internet ang isang video kung saan mapapanood ang pag-iyak ng bata dahil iniwan siya ng kanyang magulang sa loob ng sasakyan.

-BETH CAMIA