PINAGHARIAN ni International Master Oliver Dimakiling ang katatapos na Melaka International Chess Festival 2018 Open Tournament kamakailan sa Grand Ballroom,Freeport A’ Famosa Outlet sa Alor Gajah, Malacca, Malaysia.

Dimakiling

Ipinagmamalaki ng Davao City , ang hometown ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte, umiskor si Dimakiling ng 6.5 puntos para maibulsa ang 2,000 Malaysian ringgit cash prize sa 20-minuto Rapid time control format.

Ang pinaka-importanteng panalo ni Dimakiling ay kontra kina National Chess Championships ruler International Master Haridas Pascua sa sixth at penultimate round at Michael Angelo Palma ng Philippines sa seventh at final round.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakakopo naman ang second hanggang fourth places, ayon sa pagkakasunod nina National Master Stewart Manaog ng Philippines, Grandmaster Alexander Forminyh ng Russia at International Master Emmanuel Senador ng Philippines na nakaipon ng tig-6 puntos.

Nakaipon naman si Baguio City based Pascua na tubong Mangatarem, Pangasinan ng 5.5 puntos pareho nang naikamada ni Sabri Mohd Saprin ng Malaysia.

Nanguna naman ang Malaysia-based na si Palma sa huge group ng five pointers na kinabibilangan naman nina Fide Master Nelson Villanueva ng Philippines, Yusof Kamaluddin, Che Hassan Abdullah, Abdullah Muhd Rafiquzzaman, Bakal Mohd Bakri at Chek Kin Keuw ng Malaysia.