Mga Laro Ngayom

(MOA Arena)

10:00 n.u. -- PLDT vs Vice Co (men’s – for third)

1:45 n.h. -- Pocari-Air Force vs BanKo-Perlas (women’s – for 3rd)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

3:45 n.h. -- Creamline vs PayMaya (women’s – for crown)

6:00 n.h. -- Cignal vs Air Force (men’s – for crown)

TATANGKAING bumawi ng koponan ng PayMaya sa muli nilang pagtutuos ng Creamline matapos ang kanilang four-set na kabiguan nitong Linggo sa opener ng Premier Volleyball League (PVL) Season 2 Reinforced Conference Finals sa pagtatapat nilang muli ngayong gabi sa Game 2 sa MOA Arena.

Ayon kay coach Roger Gorayeb, magagawa nilang bumawi sa nalasap na 21-25, 25-22, 20-25, 19-25 kabiguan sa unang laro kung makakapag-regroup sila at magagawa ang mga inihahanda nila sa ensayo.

“As embarrassing as it may seem, I think we didn’t play the kind of game we needed to do. This is the championship and we have to play on a different level,” ani Gorayeb na tinutukoy ang kanilang naging erratic game kung saan namigay sila ng 29 puntos mula sa kanilang errors.

“The problem was we played like we’re not in a championship series,” ayon pa kay Gorayeb. “We lacked backline attack, combinations and struggled at the service box.”

“What I can’t understand is that each time when we’re about to score, somebody would make mistakes, simple errors at that.”

Muling sasandigan ng High Flyers sa kanilang pagbawi sina imports Tess Rountree at Shelby Sullivan at local ace Grethcel Soltones at setter Jasmine Nabor.

Ngunit, tiyak namang hindi rin papaawat upang ganap ng maibigay sa Cool Smashers ang korona sina imports Kuttika Kaewpin at Laura Schaudt kasama sina Alyssa Valdez, Michelle Gumabao at setter Jia Morado.

Sa men’s championship, asam ng Cignal na tapusin rin ang serye laban sa Air Force ganap na 6:00 ng gabi.

-Marivic Awitan