NAGKAAYOS na sina Direk Jun Lana, Direk Perci Intalan, at Christian Bables. Nangyari ang reconciliation ng tatlo pagkatapos ng grand launch at presscon ng walong official entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 nitong Lunes, sa Sequioa Hotel, along Mother Ignacia Street sa Quezon City.

Christian Bables, Jun Lana at Perci Intalan

Christian Bables, Jun Lana at Perci Intalan

All is well that ends well.

More than a year ago, nagkalamat ang relasyon nina Christian, Direk Jun, at Direk Perci dahil sa pagtanggi ng aktor na gawin ang spin-off ng Die Beautiful, ang Born Beautiful, na ipalalabas sa Cignal TV.

Relasyon at Hiwalayan

Arra San Agustin, nagkaroon ng relasyon kay Paolo Contis?

Ang Die Beautiful ay pinagbidahan ni Paolo Ballesteros ay biggest break ni Christian, who played Barbs in the movie. Sa katunayan, tumanggap pa siya ng kabi-kabilang parangal bilang Best Supporting Actor.

But for some reasons, hindi nagawa ni Christian ang Born Beautiful and eventually, napunta ang coveted role sa Kapuso actor na si Martin del Rosario.

Para kina Direk Jun at Direk Perci, matagal na silang nakapag-move on sa isyu kay Christian bago pa man humingi ng sorry ang aktor sa big bosses ng IdeaFirst Company.

“I’m really… tapos na. Napag-usapan na dahil nakapag-move on na kami. Nagawa na ‘yung mga project namin. Natapos na naming ‘yung Born Beautiful, nairaos na namin ito nang maayos. So, we wish him well,” sabi ni Direk Jun.

“Ah, kanina nga, alam ko namang magkikita kami rito. Iniisip ko lang kung magbabatian o hindi. It’s not going to be an issue. Okay lang. I didn’t want it to be the venue sana, kasi feeling ko baka maging showbiz. Pero nangyari na, eh.

“At least sincere naman siya. Naramdaman ko namang sincere siya,” banggit ni Direk Jun sa ilang press na kumausap sa kanila ni Direk Perci pagkatapos ng pagkikita nila ng dating alaga.

Sabi ng ilang press na nakasaksi sa pagkikita ng tatlo, umiyak daw si Christian. Hindi naman ito itinanggi ni Direk Jun.

“Oo, pero iyakin talaga ‘yang batang ‘yan. Siya ‘yung lumapit,” aniya.

Kuwento naman ni Direk Perci: “Pumunta kasi kami kay Direk Chito, wala pa siya. Inisip namin baka doon naming makikita sa table ng Signal Rock. Nakita ko lang siya nung mag-i-start na ‘yung program.

“Tinanong nga ako dati tungkol d’yan. Siguro baka meron pang bubog ‘yan kung na-shelve namin ‘yung project at hindi natuloy. Pero na-address naman kaagad. Na-cast namin si Martin kaagad. Nag-resume kami ng production, natapos na. So, as much as we’re concerned, wala talaga. Talagang it’s already water under the bridge,” paliwanag pa ni Direk Perci.

Ayon sa dalawang award-winning directors-producers, hindi naman nila isinasara ang posibilidad na muling makatrabaho si Christian sa kanilang future projects.

“Ang liit ng industriya. At saka ang manager niya ngayon si Tito Boy (Abunda), and si Tito Boy at saka ako, nagkakausap. In fact, nung ima-manage ni Tito Boy si Christian, he gave a courtesy call. Na sabi ko nga, ‘hindi na kailangan, Tito Boy’. Pero para lang ma-clear ‘yung air. Yeah, wala kaming problema with Tito Boy. And you know, sabi nga niya, ‘if you need anything for Christian, you can just call’.

“Pero definitely, hindi naman sarado ang pinto na makakapagtrabaho pa kami ulit. Doon naman nag-uugat ‘yun, ‘di ba?” mahabang paliwanag ni Direk Perci.

Aminin man o hindi, lumamlam ang kinang ni Christian bilang aktor dahil sa kontrobersiya. Sa tingin ba nina Direk Jun at Direk Perci, makakabawi pa si Christian?

“Sana naman. I think, napakagaling kasing artista, eh. Kapag magaling na artista, hindi ‘yan mawawalan ng trabaho. Tamang pagkuha lang ng projects, tamang materials na para lang sa kanya. And maintindihan lang kung ano ‘yung branding niya sa showbiz bilang isang artista. Naniniwala ako kasi kinuha namin siya dati, ‘di ba? Naging talent namin siya and we were excited, we had so many plans for him. And I’m sure si Tito Boy marami ring plano sa kanya. Minsan timing lang ‘yan, eh. Naghahanap lang ‘yan ng tamang project. Malay natin, baka it’s going to happen soon,” ani Direk Jun.

“To be fair to Christian, Born Beautiful hindi natuloy. I think may soap yata siyang gagawin. Kaya natin hindi siya nabalitaan kasi ‘yung mga project niya, eto ‘yung Signal Rock, naghintay pa ng play date. So feeling ko, once lumabas na ‘to, babalik na ulit siya sa consciousness.

“Ganun naman sa atin, ‘di ba? Minsan kapag hinihintay mo ‘yung project na maipalabas ang tagal mo talagang nakatengga. Eh, visible na siya ulit,” mahabang explanation ng producer ng Ang Babaeng Allergic sa WiFi, na entry sa PPP 2018.

-LITO T. MAÑAGO