Tumanggap ng financial assistance ang aabot sa 10,000 Boracay workers, na naapektuhan ng anim na buwang rehabilitasyon ng isla.

Pinangunahan ni Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello III ang pamamahagi ng cash cards sa libu-libong manggagawa, alinsunod na rin sa ipinatutupad na Boracay Emergency Employment Assistance (BEEP)-Adjustnment Measures Program (AMP).

Ibinigay naman sa ikatlong batch ng mga benepisyaryo ang tulong pinansiyal sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Paliwanag ni Bello, malaking tulong din sa mga manggagawa ang ang nasabing ayuda dahil anim na buwan silang walang kinikita mula nang simulan ang rehabilitasyon nitong nakaraang Abril 26.

Probinsya

Tricycle driver na nagselos at sinabihang maliit ang ari, sinaksak sekyu na pinagselosan!

"We have so far provided assistance to around half of the total number of profiled affected workers in the formal and informal sector. DOLE will continue to reach out to other affected workers for them to avail of the available assistance and reach our target of providing aid to over 20,000 profiled workers," sabi pa ng kalihim.

-Mina Navarro