Malaki ang tsansang manalo ang mga kasalukuyan at dating mambabatas, na posibleng tumakbo sa 2019 mid-term elections, kung ang eleksiyon ay gagawin ngayon, ayon sa bagong Pulse Asia survey.

Sa survey na kinalap sa buong bansa nitong Hunyo 15-21 sa 1,800 respondents, napag-alaman na malaki ang tsansang magwagi ang 13 sa 58 pulitikong kabilang sa senatorial bet potentials ng survey.

Nakatanggap si Senator Grace Poe ng 67.4 porsiyento at siya ang nangunguna para sa taumbayan.

Pumangalawa si Taguig City Rep. Pia Cayetano, na nais ibalik sa Senado, na nakakuha ng 55.7%, kasunod ang re-electionist na si Senator Cynthia Villar, na may 50.1% at pumapatak sa kritikal na ikatlo hanggang ikaapat na puwesto.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dikit naman ang laban nila ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio, na umarangkada sa ikatlo hanggang ikalima, na mayroong 46.2%.

Ang kumumpleto sa top five ay si Senador Juan Edgardo Angara, na nakatanggap ng 41.9%, at pasok sa ikaapat hanggang ikawalong puwesto.

Ang iba pang inaasahang mananalo, kung ang May 2019 senatorial elections ay ginanap nitong Hunyo, ay sina dating Senador Jinggoy Estrada (37.9%), Bureau of Corrections (BoC) chief Ronald “Bato” dela Rosa (37.7%), at Senador Aquilino Pimentel III (37.7%), na pawang nasa ikatlo hanggang ika-12 ranggo.

Angat naman si Senador Nancy Binay na mayroong 37.1%, sa ikaanim hanggang ika-12 puwesto, gayundin si dating Senador Sergio Osmeña, na may 36.6%; dating Senador Lito Lapid, 36.2%; at Senator JV Ejercito, 35.6%, pawang pasok sa ikaanim hanggang ika-13 ranggo.

Ikasampu hanggang ika-16 naman si Senador Paolo Benigno Aquino sa nakuhang 32.1%.

-Ellalyn De Vera-Ruiz