PUMIRMA na ng recording contract si Maine Mendoza sa Universal Records Philippines (URPH), pagkatapos na pahulaan kung sino ang celebrity na magiging susunod na recording artist ng kumpanya.

Maine copy

Kasama ang manager niyang si Rams David, pumirma ng contract si Maine sa General Manager ng URPH, si Kathleen Dy-Go.

“We’re very happy to welcome Maine into the Universal Records family, and very excited to be working with her for her upcoming projects,” sabi ni Ms Kathleen.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Hindi sinabi ng URPH kung ilang albums or ilang years ang contract na pinirmahan ni Maine. Sinabi lang nilang inihahanda na nila ang album ni Maine, na ipo-produce ni Mr. Ito Rapadas.

Sa interview ni Cata Tibayan kay Maine for “Chika Minute”, sa #MainelandiaFair2018 last Sunday ng phenomenal star, na dinaluhan ng mga fans niya at AlDub Nation fans, tinanong si Maine kung paano siya naghahanda sa recording.

“Magbo-voice lesson po ako in preparation,” nakangiting sagot ni Maine. “Gusto ko rin pong ready ako sa papasukin kong ito.”

Three years na si Maine in the business, at ngayon lamang siya nagkaroon ng lakas ng loob na pasukin na ang recording kahit nakagawa na siya ng single noon, ang Imagine You & Me, na theme song ng first solo movie together nila ni Alden Richards.

Natanong din kung ready na rin bang mag-concert si Maine, at kung sakali, sino ang gusto niyang maging guest sa kanyang first major concert?

“Siguro po si Ms. Regine Velasquez-Alcasid. Siya po kasi ang first artist na napanood ko ang concert noong araw at ang sarap po sigurong makasama siya,” sabi ni Maine.

Nag-sample na si Maine ng three songs nang hilingan siya ng fans sa programang inihanda ng Mainelandia. Naging parang mini-concert ang event dahil nakasama niya ang Music Hero ng Eat Bulaga. Nag-perform din ng gabing iyon sina Gloc-9 at Santi Dope, mga co-recording artists ni Maine sa URPH.

-NORA V. CALDERON