Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang massive crackdown sa lahat ng gun-for-hire at gun-running syndicate, matapos ang sunud-sunod na pamamaslang sa mga lokal na opisyal.
Ang kautusan ay inilabas ni Albayalde kahapon nang humarap siya sa pulong balitaan sa Camp Crame.
Ayon kay Albayalde, ang kautusan ay alinsunod sa suhestiyon ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).
“We have also considered the suggestions of VACC on the need for a massive crackdown against gun-for-hire groups and gun running syndicates that maybe directly attributed to the recent cases of shooting incidents,” sabi ni Albayalde.
Kasabay nito, nagpalabas din ng kautusan ang PNP chief para paghandaan ang seguridad sa mid-term elections sa susunod na taon.
“In view of the recent killings of local chief executives, I am directing the command group and the regional directors to review and launch early security measures ahead of the 2019 Mid-Term Elections in May next year,” utos ni Albayalde sa mga hepe ng pulisya.
Kasama sa mga security measure ang mas pinalakas na police visibility, mas pinaigting na checkpoint, at pagsasagawa ng mga operasyon kontra kriminalidad.
-Fer Taboy