DETERMINADO ang Creamline na masungkit ang kampeonato at lutang na lutang ang kanilang paghahangad nang pabagsakin ang PayMaya, 25-22, 20-25, 25-21, 25-19, sa Game 1 ng Premier Volleyball League (PVL) 2 Reinforced Conference Finals nitong Linggo sa MOA Arena.

Nagpakita ang Creamline ng balanseng laro para makuha ang tempo at magpakatatag sa krusyal na sandali.

Tatlong Cool Smashers ang nagtala ng double-digits, sa pamumuno ni Thai import Kuttika Kaewpin na may 19 puntos kasunod si skipper Alyssa Valdez na may 18 puntos mula sa 15 attacks, 2 blocks, at isang ace, habang kumana si import Laura Schaudt na may 13 marker.

“It was really important for us to play with a lot of energy,” pahayag ni Valdez. “Ang motivation talaga kanina was just to keep going every set. Everyone really stepped up which was important kasi, knowing PayMaya, they aren’t going to give up.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Namuno naman si import Tess Rountree para sa High Flyers sa itinala nitong 26 puntos kasunod si Grethcel Soltones na may 11 puntos, 14 digs, at 20 excellent receptions.

-Marivic Awitan