BANGKOK/CHIANG RAI (Reuters) – Nasa maayos nang kalagayan ang walong nasagip na batang lalaki na nakulong sa isang kuweba sa Thailand at ang ilan sa kanila ay humiling ng chocolate bread para sa agahan, sinabi ng mga opisyal kahapon.

“At this moment (there are) no worrisome conditions, everyone is safe,” lahad ni Jesada Chokedamrongsuk, permanent secretary ng Ministry of Public Health, sa news conference sa Chiang Rai sa hilaga ng Thailand.

Dalawa sa mga batang lalaki ang inoobserbahan sa lung infections ngunit ang apat mula sa unang grupong nasagip ay naglalakad na.

“The kids are footballers, are strong and have high immunity,” ani Jesada nang tanungin kung bakit nakaligtas ang mga bata sa kabila ng matagal na pananatili sa madilim at binabahang kuweba.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Malakas nang kumain ang mga binatilyo, ngunit karamihan sa kanila ay binigyan ng pagkaing madaling matunaw. Gayunman, naawa ang mga doktor at pinagbigyan ang hirit ng ilan sa kanila na tinapay na may chocolate topping.

Naka-quarantine pa rin sila at hindi pa nakikita ng kanilang mga magulang dahil sa panganib ng infection at posibleng mananatili sa ospital sa loob ng isang linggo para sumailalim sa ilang tests.

Samantala, itinuloy ng rescuers ang mga paghahanda sa ikatlong rescue operation para mailabas ang apat na nalalabing binatilyo at kanilang soccer coach bago pa muling bumuhos ang malakas na ulan.

Apat pang binatilyo ang dinala ng stretchers palabas ng Tham Luang cave sa hangganan sa Myanmar nitong Lunes. Sa kabuuan ay walo na ang nailabas matapos ang dalawang sa magkakasunod na araw.

Sinabi ng pinuno ng operation na si Narongsak Osottanakorn, na natuto ang rescuers sa karanasan at naging mas mabilis ng dalawang oras ang paglabas sa second batch ng survivors.

Isang crack team ng foreign divers at Thai Navy SEALs ang gumabay sa mga binatilyo sa siyam na oras na operasyon padaan sa halos apat na kilometrong binabahang channels kung saan sila nakulong.

Tumanggi ang organizers na kumpirmahin kung tatangkain nilang mailabas ang lahat ng lima sa ikatlong rescue mission.

“It is up to the environment. If the rain god helps us, then we may be able to work fast. But if the rain god doesn’t help, then it could be challenging,” ani Narongsak.

Nakulong ang “Wild Boars” team noong Hunyo 23 nang galugarin nila ang kuweba matapos ang soccer practice at binaha ng ulan ang mga lagusan.