PINANGALANAN na ang walong pelikulang finalists sa Pista ng Pelikulang Pilipino o PPP, sa Agosto 15-21, 2018.

Bela at JC

Sa ginanap na Pista ng Pelikulang Pilipino grand launch kahapon sa Sequoia Hotel, inihayag ang sumusunod na finalists:

Ang Babaeng Allergic sa WiFi (IdeaFirst Company), Bakwit Boys (T-Rex Entertainment), Madilim ang Gabi (Deus Lux Mea Films), Pinay Beauty (Quantum Films/Epic Media), Signal Rock (Cape Signal Films PH), The Day After Valentines (Viva Films), Unli Life (Regal Entertainment), at We Will Not Die Tonight (Strawdogs Studio Production).

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang PPP ay itinatag ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño noong 2017, at naging matagumpay dahil halos lahat ng pelikulang sumali sa PPP ay pawang ipinalabas sa iba’t ibang film festival sa ibang bansa, at humakot pa ng awards.

Kabilang sa mga nasabing pelikulang naipalabas sa ibang bansa na sumali sa PPP ay ang Birdshot (TBA Studios), Paglipay (TOFARM), Pauwi Na (Universal Harvester, Inc), Patay na si Hesus (T-Rex Entertainment), Ang Manananggal sa 23B (The IdeaFirst Company), at Hamog (CPI/Cinema One).

Ang iba pang pelikulang sa PPP lang isinali ay ang Awol (Skylight Films), Bar Boys (Tropic Frills, Inc), Patay na Si Hesus (T-Rex Entertainment), Salvage (CPI/Cinema One), Star na Si Van Damme Stallone (Unitel x Straight Shooters), at Triptiko (Michele Brothers Productions).

Certified box-office naman ang mga pelikulang Patay na Si Hesus, Birdshot at 100 Tula Para kay Stella.

At dahil kumita ang tambalang Bela Padilla at JC Santos sa 100 Tula Para Kay Stella, sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana, balik-tambalan sila sa isa sa finalists ng PPP, ang The Day After Valentines, with the same director, under Viva Films.

-Reggee Bonoan