LOS BANOS – Umani ng papuri sina Xiandi Chua, Mishka Sy at Filipino-American swimmer Miranda Renner sa nakamit na gintong medalya sa 42nd Southeast Asia Age Group Swimming Championships nitong Sabado sa Trace Aquatics Center.
Matapos magwagi sa girls 16-18 200-meter individual medley sa opening day, hataw si Chua sa 200-meter backstroke sa tyempong 21.98 segundo laban kina Indonesian Azzarah Permatahani (2:22.41) sa torneo na itinataguyod ng Philippine Sports Commission.
Kumasa rin si Chua sa silver medal sa 400-meter IM (4:57.50) na pinagwagihan ni Permatahani ng Thailand (4:53.17), habang pangatlo ang Vietnamese na si Linh Mai Thi Linh (5:01.83).
Kumana naman si Sy sa girls 13-and under 200 meter backstroke sa oras na 2:27.34 laban kay Thailand’s Jinjutha Pholjamjumrus( 2:27.51).
Nabura niya ang dating marka na 2:28.69 na nagawa ni Bhay Maitland Newberry.
“I was so close to winning (a bronze) yesterday so gave my best today because this was my one remaining individual race,” pahayag ni Sy, produkto ng Milo Little Olympics swimming.
Agaw-pansin naman si Renner sa girls 16-18 year-old 50-meter butterfly sa tyempong 28.23 segundo laban sa kasanggang sina Regina Maria Paz Castrillo (28.36) at Indonesian Adinda Larassati Dewi (28.54).
“This was a very exciting race, considering that this was my first gold in the SEA Age. What a great birthday gift,” p[ahayag ni Renner, isa sa mga swimmer na kinukuha ng swimming association sa Amerika
Sa kasalukuyan, napantayan na ng RP Team ang apat na gintong napagwagihan sa torneo ng delegasyon sa nakalipas na taon. Nakopo ng bansa ang apat nag into, siyam na silver at pitong bronzes sa 41st SEA Age.