Minamadali na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang rehabilitasyon ng isla ng Boracay sa Aklan sa loob ng anim na buwan.

Ito ang sinabi ni DENR Secretary Roy Cimatu, bilang tugon sa lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing 64 na porsiyento ng mga Pilipino ang pabor sa isang taong pagsasara upang ganap na maibalik ang ganda ng isla.

Ayon kay Cimatu, simula ng isara ang isla dalawang buwan na ang nakalilipas ay sinisikap ng multi-agency task force, na pinamumunuan ng DENR, ang target nitong makumpleto ang rehabilitasyon ng Boracay.

Kumpiyansa rin si Cimatu na muling mabubuksan ng pamahalaan ang Boracay para sa turista sa Oktubre ngayong taon, gaya ng itinakda.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Kaugnay ng rehabilitasyon, hinikayat ni Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Piñol ang mga miyembro ng tribung Ati sa Barangay Manoc-manoc sa isla na paunlarin ang kanilang 2.1 ektaryang ancestral domain at gawin itong isang agri-tourist site.

Una nang nangako si Piñol ng P2-milyon tulong pinansiyal para sa mga katutubo at samahan ng kababaihan sa Boracay, sa pamamagitan ng Survival Recovery credit program sa ilalim ng Agricultural Credit Policy Council ng DA.

-Ellalyn De Vera-Ruiz