RIO DE JANEIRO (AFP) – Nagdesisyon ang isang hukom sa Brazilian appeals court nitong Linggo na mananatili sa kulungan si dating president Luiz Inacio Lula da Silva, sa nakahihilong araw ng judicial orders at counter-orders ilang buwan bago ang halalan sa panguluhan ng bansa.

Sa kanyang desisyon nitong Linggo ng hapon, binaliktad ni Judge Pedro Gebran Neto ang shock order para palayain si Lula, 72 anyos, na ibinaba ilang oras bago nito ni Judge Rogerio Favreto ng appeals court sa katimugang lungsod ng Porto Alegre – at ipinag-utos na arestuhin ang dating pangulo.

Sinabi ng top anti-corruption judge na si Sergio Moro – ang orihinal na nagsentensiya kay Lula noong Hulyo 2017 – na walang kapangyarihan si Favreto na palayain ang dating pangulo. Sumunod si Gebran Neto at inutusan ang federal police sa kulungan sa Curitiba city na huwag palabasin si Lula.

Iginiit ni Favreto ang kanyang naunang kautusan, at iniutos na palayain si Lula sa itinakda niyang oras. Ngunit lumagpas ang deadline at nasa kulungan pa rin ang dating pangulo.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Winakasan ng president ng appeals court na si Carlos Eduardo Thompson Flores ang drama, at nagpasyang manatili muna sa kulungan si Lula.