TRABAHONG kalabaw ang pamunuan ng Games and Amusement Board (GAB). At tulad ng dapat asahan, unti-unting inaani ng pamahalaan ang bunga ng pagod at hirap.

GAB, sumirit ang revenue collection sa magkasunod na taon

GAB, sumirit ang revenue collection sa magkasunod na taon

Sa unang limang buwan ng kasalukuyang taon, sumirit sa P15,169,812.95 ang revenue ng government body para sa professional sports o 42% na pagtaas sa nakuhang pondo (P10,682,255.08) sa parehong haba ng panahon sa nakalipas na taon.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“GAB continues to reap the fruits of its hardwork as it continues to deliver outstansing performance when it comes to generating more revenues for the government,” pahayag ni GAB Chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra sa panayam ng mga miyembro ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS).

Iginiit ni Mitra na ang patuloy na paglago ng kita ng pamahalaan ay bunga nang pagsusumikap ng administrasyon na maireporma ang sistema at programa ng ahensiya, kabilang ang pagbibigay ng libreng medical examinations – CT scan, drug test, MRI -- para sa lahat ng professional Pinoy athletes.

“Because of this, licences and permits issued as of May 2018 show significant improvement at 70% increase,” sambit ni Mitra.

“Kung noon, talagang hinahabol natin yung ating mga atleta, promoter, match-maker, organizers. Ngayon, sila na ang nagkukusang magpunta sa GAB at magpalisensya.

Ikinatuwa rin ni Mitra ang pagdami ng mga professional league na huminhingi ng accreditation at magpasailalim sa regulation at supervision ng GAB.

“We also introduces our on-line licensing system at the end of the year, para mas mapabilis ang pagtugon namin sa pangangailangan ng mga atleta,” pahayag ni Mitra.

Sa comparative record para sa taong 2017 at 2018, tumaas ang kita sa licenses and permits sa P10,370, 886.93 sa unang limang buwan kumpara sa P6,091.862 sa parehong panahon. Umangat din ng 3% sa P4,788,926.01 mula sa P4,175,742.69 ang share ng GAB sa TV at gate receipts, habang sumirit sa P10,000.00 ang kinita sa general administration mula sa P1,650.00.

Ayon kay Mitra, bukod sa basketball at boxing, nagpa-sanctioned na rin sa GAB ang martial arts group tulad ng MMA, jiu-jutsu, entertainment wrestling, three-point shooting, esports at maging ang volleyball.

Ayon kay Mitra, ang pagtaas ng revenue ng GAB ay ramdam na nitong nakalipas na taon.Tumaas ang kinita ng GAB sa P27,876,471.86 kumpara sa P17, 415, 753.29 o 60% na pagtaas kumpara sa taong 2016.

Tapik sa balikat ng GAB ang pursigidong pagsawata sa illegal bookies, on-line gambling at on-line sabong.

-EDWIN ROLLON