“WE don’t talk or text or Viber anymore, Reg.” Ito ang kinumpirma sa amin ni Kris Aquino nang banggitin namin sa kanya na walang alam si Quezon City Mayor Herbert Bautista na nasa Bangkok, Thailand siya para sa webisode shoot ng isang beauty product mula sa nasabing bansa.

kris copy

Nakatsikahan si Mayor HB sa taunan niyang pa-birthday sa entertainment presss/online writers, na ginanap sa bagong gawang conference room ng Bulwagang Amoranto Building, kung saan matatagpuan ang Mayor’s Office.

Sa gitna kasi ng tsikahan kay Mayor Bistek ay nabanggit niyang wala na silang komunikasyon ni Tetay sa nakalipas na isa at kalahating buwan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Busy, eh. Nagsu-shooting yata,” say ng Ama ng Quezon City.

At binanggit namin na nasa Bangkok ang nag-iisang Queen of Online World and Social Media.

“Bangkok? Umalis!,” nagulat na reaksiyon ni Herbert, na ‘tila ang ibig sabihin ay hindi nagpaalam sa kanya si Kris.

Tinanong din namin ang alkalde kung manonood siya ng pelikula ni Kris na I Love You, Hater, na showing na sa Wednesday, July 11. Kasama ni Kris sa movie sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

“Wala namang imbitasyon,” aniya.

Hirit naming, paano kung imbitahan siya ni Kris sa premiere night, pupunta ba siya? “Siyempre, manonood ako,” panigurado ni Mayor Herbert.

Hayan, Star Cinema. Naghihintay lang po ng imbitasyon si Mayor Bistek ng imbitasyon para sa premiere night ng I Love You, Hater, sa Tuesday, sa SM Megamall Cinema 7.

Anyway, nagkuwento na si Herbert kung ano talaga ang ugnayan nila ni Kris sa isa’t isa para malaman na ng lahat.

“Tungkol kay Kris, first I want to thank Kris Aquino because in that short and very brief moment of our lives, in that period. Let us remember that PNoy (ex-President Noynoy Aquino) ended his term as President. She (Kris) ended her term as a contract artist of ABS-CBN and it was very crucial as far as her career is concerned.

“So, ‘yung communication namin thru text, ganyan bihira ‘yung phone (conversation) mostly always text. And the relationship is mutual respect between two individuals.

“It’s less than having a relationship but more than being friends, so based on mutual respect and I’d like to thank her for one way or the other guiding me. Gina-guide niya ako, eh.

“Sabi niya, mag-hire na raw ako ng social media person, ‘dapat gawin mo ganito, ganyan’. In fact, ‘yung libro (Bisktek @ 50: Life in Full Color, The Herbert Bautista Biography) sabi niya, ‘wala nang nagbabasa ng libro, gawa ka ng social media team mo para ‘yun ang ano, gawa ka ng mga videos mo tapos upload mo’, which I did. Baka mga August lalabas na ‘yun.

“Ako naman magga-guide lang ako sa kanya like ‘okay ito, ito ‘wag ‘to.’ For example maraming event s na na g ing controversial, one way or the other we talk to each other, na ‘oo nga mali nga’, mga ganu’n. So it’s really based on mutual respect.

“And I thank her really because one way or the other she was able to guide me in my path especially now matatapos na ‘yung term na binigyan niya ng maraming options.

“’Yung mga options ko sa buhay, pero ‘yung mga option ko sa mga anak ko, akin ‘yun. Marami siyang nakitang options at tama naman, oo nga, ‘no, puwede naman pala. I’d like to thank her kasi naging bahagi siya sa pagpaplano ng buhay ko. Naging bahagi rin ako ng development niya.

“Now after two years, I was very proud of her because she stands up on her own, on her own feet. Sinasabi ng iba na Kris Aquino ka kasi, ‘yung kapatid mo at nanay mo naging presidente. Hindi, ito siya!

“Wala siyang network na masasabi, GMA o ABS-CBN or any other network. Pero mayroon siyang sariling network, ang lawak-lawak ng audience niya, ang dami niyang endorsement, pumapasok sa kanya and counting. And I think that’s the blessing she has received, so nakatayo na siya. Sabi niya from afar ganito, ganyan, okay lang ‘yun.

“Kapag may lumalabas sa social media, hati, eh. May pabor, tapos may bash. Sabi niya, ‘didistansiya na lang ako sa ‘yo, Herbert, para hindi ka na maba-bash dahil without you doing anything because of me doing something natatamaan ka’.

“Kaya thankful ako sa kanya (Kris) for guiding me and I wish her the best in her career and I know she will go matagal pa, she has four worlds: personal, professional, entertainment/social media and there’s politics. Very far in the horizon. And I know, one day someday she will venture into it, so just keep it up. Galingan mo,” mahabang kuwento ni HB sa naging journey nila ni Kris.

Ano ang reaksiyon niya sa sinabi ni Kris na didistansiya na lang ito? “Eh, ‘di from a distance rin ako,” natawang sagot ng alkalde.

“We will now concentrate in our careers, but siguro ‘yung guidance hindi na mawawala ‘yun,” ani Mayor Bistek.

May dagdag na mensahe pa siya kay Kris: “Huwag masyadong makipag-away, masarap maraming kaibigan. Alam ko maraming kaibigan (siya) pero huwag ka nang gumawa ng kaaway para lahat kaibigan. ‘Yun ang message ko sa kanya.”

Natanong si Mayor Bistek kung nanghinayang siya ngayon sa bagong figure ni Kris, gaya nga ng nabanggit ni Kris sa presscon ng I Love You, Hater habang rumarampa sa stage: “Mayor, ito ang na-miss mo.”

“Pumayat nga raw, eh. Okay lang naman ‘yun kasi sa (screen) nagmu-multiply, eh. Kita mo ako payat ako, pero kung titingnan mo, siopao face talaga ako,” kaswal na sabi ni HB.

May nagtanong: “Minahal mo ba siya (Kris), Mayor?” Pero ‘tila nabingi si Mayor Herbert dahil hindi niya sinagot ang tanong. Nagsabi lang siya ng “ha”, at hindi na muling nagsalita, kaya nagtawanan ang lahat.

S a tanong kung marriage is an option para kay Mayor HB, sumagot siya: “Marriage is not an option, it’s a goal, it’s a lifetime goal.”

Samantala, sa nasabing event ay namahagi si Mayor Herbert ng libro niyang Bisktek @ 50: Life in Full Color, The Herbert Bautista Biography

-REGGEE BONOAN