NANINDIGAN ang San Beda sa krusyal na sandal para makuha ang 67-65 panalo kontra sa matikas na Perpetual Help nitong Sabado sa pagbubukas ng 94th NCAA basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

MAAKSIYON ang opening game sa pagitan ng San Sebastian at Lyceum of the Philippines sa NCAA men’s basketball. (RIO DELUVIO)

MAAKSIYON ang opening game sa pagitan ng San Sebastian at Lyceum of the Philippines sa NCAA men’s basketball. (RIO DELUVIO)

Nanguna si Robert Bolick sa natipang 15 puntos, kabilang ang walong free throw sa krusyal na segundo ng final period, habang kumana sina Jayvee Mocon at last year’s Finals MVP Donald Tankoua ng 14 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

“The first game is always the toughest because of the euphoria and the jitters,” pahayag ni San Beda coach Boyet Fernandez.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Taliwas sa inaasahan, matikas na nakihamok ang Altas at nagawang makipagsabayan sa defending champion mual simula hanggang sa huling tikada ng laro.

“I need more practice,” pahayag ni Bolick, patungkol s amasamang 11-of-14 field goal.

Ikinatuwa naman ng bagong coach ng Perpetual Help na si Frankie Lim, nangasiwa sa apat na kampeonato ng San Beda may isang dekada na angnakalilipas, sa impresibong ipinamalas ng Altas.

“I told my players that playing against coach Frankie is tough,” sambit ni Fernandez.

Samantala, pinangunahan ni NCAA president Anthony Tamayo ng Perpetual Help ang opening ceremony na pinatingkad ng makulay na production number ng Perpetual cheering squad.

Sa ikalawang larom, nanaig ang Lyceum of the Philippines, sa pangunguna ni Cameroonian Mike Nzeusseu, kontra San Sebastian, 85-80.

Hataw si Nzeusseu sa naiskor na game-high 23 puntos at 20 rebounds.

-Marivic Awitan

Iskor:

(Unang Laro)

San Beda 67 – Bolick 15, Mocon 14, Tankoua 12, Eugene 8, Soberano 6, Abuda 3, Kwekuteye 3, Presbitero 2, Doliguez 2, Cabanag 2, Oftana 0, Tongco 0, Nelle 0, Carino 0, Cuntapay 0

Perpetual Help 65 – Charcos 14, Eze 13, Coronel 13, Razon 10, Aurin 8, Peralta 7, Mangalino 0, Cuevas 0, Tamayo 0, Pasia 0

Quarterscores: 13-10, 23-23, 44-40, 67-65

(Ikalawang Laro)

LPU 85 – Nzeusseu 23, Perez 15, Marcelino JC 13, Serrano 6, Pretta 6, Yong 6, Marcelino JV 5, Ayaay 4, Caduyac 4, Ibanez 2, Santos 1, Cinco 0, Tansingco 0, Valdez 0

San Sebastian 80 – Ilagan 18, Bulanadi 15, Calisaan 12, Calma 10, Valdez 7, Sumoda 6, Dela Cruz 5, Desoyo 4, Villapando 3, Capobres 0, Are 0, Baytan 0

Quarterscores: 22-14, 43-43, 67-60, 85-80