Panibagong taas-presyo sa petrolyo ang nakatakdang ipatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Posibleng tumaas ng 60 hanggang 70 sentimos ang kada litro ng kerosene, 40-50 sentimos sa diesel, at 30-40 sentimos naman sa gasolina.

Ang nagbabadyang dagdag presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa oras na ipatupad, ito na ang ikalawang bugso ng oil price hike ngayong buwan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hulyo 3 nang nagdagdag ng 70 sentimos sa kada litro ng kerosene, 65 sentimos sa gasolina, at 55 sentimos sa diesel.

-Bella Gamotea