Kalaboso ang dalawang lalaki nang maaktuhan ng mga barangay tanod na nag-aabutan ng umano’y shabu sa San Mateo, Rizal, nitong Sabado ng gabi.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sina Junior Gonzales, alyas Utchoy; at Ace Gian Carpio, alyas Ace, matapos na maaresto sa Liamson Subdivision sa Barangay Banaba, dakong 11:00 ng gabi.

Sa report, nagpapatrulya ang mga barangay tanod sa naturang lugar nang maaktuhan ang mga suspek na nag-aabutan ng isang pakete ng shabu.

Bukod sa shabu na nahuling hawak ng mga suspek, ang isa pang pakete ng shabu ang nakuha mula sa kinatatayuan ng mga suspek.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

-Mary Ann Santiago