SAMARA, Russia (AP) — Nakamit ng England ang minimithing tagumpay na bigong maibigay ng henerasyon ni football great David Beckham – ang makausad sa semifinals ng World Cup.
Kumana sina Harry Maguire at Dele Alli ng tig-isang goal para sa 2-0 panalo ng England laban sa Sweden nitong Sabado (Linggo sa Manila), sapat para maisaayos ang duwelo sa matikas na Croatia para sa Finals slot.
“We looked composed,” pahayag ni England captain Harry Kane. “We looked like we controlled the game.”
Tinapos ng England ang matikas na kampanya ng hard-working Swedish side na sopresang umabot sa Final 8 sa kabila ng hindi paglalaro ni star player Zlatan Ibrahimovic.
Kahanga-hanga ang inabot ng England na isang malaking sopresa. Hindi inabot ng England ang pedestal sa panahon nina Beckham, Steven Gerrard at Wayne Rooney.
Huling umusad sa semifinals ang 1966 World Cup champion noong 1990, ngunit nasibak din sa penalty shootout. Noong 2014, maagang nasibak ang koponan.
Ngayon, ipinagdiriwang ng buong Kaharian ang kampanya ng batang koponan na pinangangasiwaan ni Gareth Southgate.
“I know the fans here are enjoying it,” pahayag ni Kane. “The fans at home, I’m sure we’ll see some videos tonight of them enjoying it.”
CROATIA 2, RUSSIA 2 (Penalty)
Sa Sochi, dumagundong ang panghihinayang ng local crowd nang magapo ng Croatia ang host Russia sa penalty shootout, 4-3.
Natapos ang regulaltion sa 2-2 matapos makaiskor ng goal si Ivan Rakitic.
Target ng overachieving hosts, pinakamababang ranked nation sa torneo, na makausad sa World Cup semifinals sa unang pagkakataon mula nang tumapos ang Soviet Union team sa ikaapat sa 1966 tournament sa England.
Ito ang unang Final Four ng Croatia sa World Cup mula noong unang sumabak sa 1998 edition.
Makakaharp ng Croatia ang England sa semifinals sa Miyerkules (Huwebes sa Manila). Nagwagi ang English kontra Sweden 2-0.
Naiskor ni Russia defender Mario Fernandes ang equalizing goal sa extra time, ngunit kumabyos ang kanyang tira sa penalty.
Umiskor din si Croatia defender Domagoj Vida sa extra time sa header sa ika-101 minuto.
Naibigay ni Denis Cheryshev ang bentahe sa Russia sa ika31 minuto bago nakatabla ang Croatia mula sa header ni Andrej Kramaric sa halftime