PHOENIX (AP) — Pinatibay ng Phoenix Suns ang tiwala kay Devin Booker, ang high-scoring guard ng koponan, nang palagdain ng five-year, $158 million maximum contract.

Sa kanyang Twitter, sinabi ni Booker, 21, na siya ang highest-paid player sa kasaysayan ng prangkisa.

Tangan ng 13th overall pick sa 2015 draft mula sa Kentucky, ang averaged 19.8 puntos sa ikatlong taopn sa NBA. May averaged 24.9 puntos siya sa nakalipas na season at kumana ng 38 percent shooting sa 3-point range. Nagwagi siya sa NBA 3-point contest sa All-Star weekend nitong Pebrero.

Naitala ni Booker ang franchise record sa scoring nang tumipa sa 70 puntos sa laro laban sa Boston noong March 24, 2017. Siya ang ikaanim na player sa kasaysayan ng NBA na nakagawa nito.

Chavit Singson, pangungunahan pagpapatayo ng kauna-unahang PBA Arena?

“I am humbled & honored to commit to the Suns organization long term,” pahayag ni Booker. “I loved calling Phoenix home the last 3 seasons as this team & community are special to me. Thank you to the Suns for drafting me and believing in me. I look forward to the future & pursuing a title as a Sun.”