Dadalhin na rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga opisina, ospital, subdivision at eskuwelahan ang programa nitong Passport on Wheels (POW).

Sinabi ni DFA na simula nang ilunsad ang POwnoong Enero ay tumaas ang kapasidad ng ahensiya sa pagseserbisyo sa mas maraming aplikante. Ang bilang ng POW applicants sa nakalipas na anim na buwan ay umabot sa katumbas ng apat na medium-sized consular offices.

“Through the Passport on Wheels, we are not only able to bring our consular services closer to the people but, more importantly, serve more people, accommodating more than 138,000 applicants since January,” ani DFA Secretary Alan Peter S. Cayetano.

Ayon sa kalihim, ang alinmang LGU, kumpanya, paaralan o organisasyon ay maaring makakuha ng POW service sa pamamagitan ng written request sa Assistant Secretary for Consular Affairs, sa email: [email protected].

Relasyon at Hiwalayan

Nadia, kinumpirmang nasa poder na ni Baron ang anak nila

Kailangang nakasaad sa liham ang tinatayang bilang ng aplikante na hindi bababa sa 500 at hanggang 2,000 lamang, pangalan at contact details ng humiling na partido sa designated Passport Coordinator, at ang napiling schedule.

-Bella Gamotea