SA panig ng Gilas Pilipinas kumabig si Arnold Clavio sa isyu kaugnay ng pakikipagsuntukan sa mga players ng Australian Boomers sa FIBA game sa Philippine Arena nitong Lunes.

Arnold copy

Kahit bina-bash, walang pakialam si Arnold basta nasabi niya ang gustong iparating sa mga kababayan natin na kumampi sa mga Australian at ikinahiya ang players ng Gilas.

“Tama na ang satsat! Maging Pilipino ka muna! Ang respeto ay ibinibigay sa mga bisitang nagpapakita rin ng respeto at paggalang! Huwag naman nating kalimutan ang ating mga bayaning ibinuwis ang kanilang buhay para magkaroon tayo ng karangalan at hindi mayurakan ng mga dayuhan!

Relasyon at Hiwalayan

'The easiest yes!' Jose Manalo, Gene Maranan engaged na!

“Maaari naman kasing naiwasan ang gulo kung naging maayos at matalino rin ang desisyon ng mga referee. Mahaba ang pasensya ng mga Pilipino. Pero kapag napuno na ang salop, dapat nang kalusin! Hindi basagulero ang tawag dun, prinsipyo!!! Huwag maging miron! Taas noo, Pilipino! “

May pumuna kay Arnold dahil pinanigan daw ang mali, pero base sa nabasa naming comments sa Instagram account ng broadcaster ay mas marami ang sumang-ayon sa kanya.

Nakita namin sa mga agree sina Janno Gibbs at Sheryl Cruz, na nag-post ng emoji na pabor sila sa pahayag ni Arnold. Hintay lang tayo at pati sila ay maba-bash.

-Nitz Miralles