Timbuwang ang isa sa dalawa umanong gunrunner sa buy-bust operation sa Las Piñas City, kahapon.

Dead on the spot ang suspek na kinilala sa alyas Ely, nasa hustong gulang, nakasuot ng dilaw na T-shirt at asul na jogging pants, dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatakas naman ang kasamahan nito.

Ayon kay Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., nagsagawa ng firearm buy-bust operation ang mga tauhan ng Las Piñas City Police sa Plaza Pinaglabanan, Zapote, dakong 1:45 ng madaling araw.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

Nagsilbing poseur buyer ang isang pulis na bumili ng baril sa dalawang suspek.

Sa kasagsagan ng transaksiyon, nakahalata umano si Ely na pulis ang kanilang kaharap.

Bumunot umano ng baril ang suspek at pinutukan ang pulis.

D a h i l d i t o , n a p i l i t a n g makipagbarilan ang mga pulis na naging sanhi ng pagkamatay ni Ely. Kumaripas naman palayo ang isa pang suspek.

Narekober sa napatay na suspek ang isang caliber .45 Colt 1911A; isang cal. 38 revolver na kargado ng limang bala; at dalawang basyo ng .9mm pistol; isang kaha ng sigarilyo na naglalaman ng dalawang pakete ng hinihinalang shabu; at isang pouch na naglalaman ng P76.

-Bella Gamotea