BUSY ang malapit nang ikasal na si Christian Bautista. Hindi lang siya kabilang sa three judges sa The Clash, na magpa-pilot na ngayong Sabado, kasama rin siya sa cast ng Victor Magtanggol.

christian bautista

Big challenge kay Christian ang role niya sa action serye dahil kontrabida siya ni Alden Richards.

Nang ma-interview si Christian sa presscon ng The Clash ay hindi pa siya nakakapag-taping para sa Victor Magtanggol kaya wala pa siyang maikuwento. Based pa lang sa nabasa niyang script ang alam niya sa kanyang karakter.

Tsika at Intriga

Anne Curtis, naalarma sa kumakalat na larawan ng Sierra Madre

Hindi pa alam ni Christian kung gaano siya kasama bilang kontrabida ni Alden, pero excited na siya, lalo ay kasama at kapwa niya rin kontrabida sa serye si John Estrada, ang main villain ni Victor (Alden).

Bilang judge naman ng The Clash, may tip si Christian sa Clashers: “Para sa akin, makukuha nila ang vote ko if in terms of singing, they choose the right song and makanta nila ito nang maayos. And of course, in terms of performance, they have to connect with us- the TV audience to make us feel their song.”Samantala, cover ng Metro Wedding si Christian at ang fiancée niyang si Kat Ramnani. Bago magtapos ang 2018 ay ikakasal na ang dalawa. Sabi ay sa Bali, Indonesia raw ang ceremony, bagamat dati nang nabanggit ni Christian na rito lang sa Pilipinas ang kasal nila.

-NITZ MIRALLES