CAMILING, Tarlac - Dahil sa pera, bugbog-sarado ang isang babae sa kanyang live-in partner sa Barangay Poblacion H, Camiling, Tarlac, kamakalawa ng hapon.

Sa imbestigasyon ni PO3 Joan Clemente Poco, binugbog ni Vinzon Angala, 25, ng nasabing barangay, ang kanyang live-in partner, 23, dahil hindi nito mailabas ang P20 na kanyang hinahanap.

Ayon sa biktima, pinagsisipa siya ng suspek sa ulo at pinagbabato ng bote ng softdrinks.

Pinag-iisipan pa ng biktima kung kakasuhan niya ang suspek.

Probinsya

9-anyos na bata, patay sa rabies; aso, kinatay at kinain pa ng 30 katao

-Leandro Alborote