PINAYUHAN ni Health Secretary Francisco Duque III ang publiko na kaagad komunsulta sa doktor kapag nakitaan sila ng mga sintomas ng leptospirosis, at huwag magtangkang gamutin ang sarili.

“Let us not self medicate because we are talking about a prescription antibiotic here,” ani Duque sa pagbisita niya nitong Martes sa mga pasyente ng leptospirosis sa East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City.

Sinabi niyang dapat pa ring i-assess ng mga doktor ang pasyente kung kailangan nito ng antibiotic para gamutin ang impeksiyon.

Ang mga na-expose ay makararanas ng mga sintomas gaya ng sakit ng ulo, lagnat, pagsusuka at pamumula ng mata.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sinabi ni Duque na hindi hinihikayat ng Department of Health (DoH) ang pag-inom ng antibiotic nang walang reseta dahil maaari itong magresulta sa anti-microbial resistance at pinsala sa internal organ.

Sinabi niya na maaaring magbigay ang mga doktor ng dosage ng prophylaxis sa magkakaibang intervals, depende sa level of exposure ng mga indibiduwal na maaari nilang inumin depende sa antas ng panganib.

Sumang-ayon si Dr. Daisy Tagarda, Philippine Society for Microbiology and Infectious Disease (PSMID) diplomate, kay Duque, sinabi na pinakamainam na komunsulta sa doktor bago uminom ng anumang gamot para labanan ang impeksiyon na dulot ng leptospirosis bacteria.

“The most effective prevention of leptospirosis is avoidance of exposure. But if we don’t have a choice, we can take prophylaxis to decrease the chances of incidences,” ani Tagarda.

Hindi nila ipinapayo ang gamot sa mga mayroong allergic reactions, buntis, at mga batang pasyente.

“It can cause yellowish or discoloration of the teeth of children and even of the baby in the womb,” aniya.

PNA