BANGKOK (Reuters) – Nalagutan ng hininga ang isang Thai rescuer matapos hinimatay habang kasama sa operasyon para sagipin ang 12 binatilyo at kanilang soccer coach na nakulong sa isang kuweba sa hilaga ng Thailand.

Si Samarn Poonan, dating miyembro ng elite Navy SEAL unit ng Thailand na kasama sa rescue team sa Chiang Rai, ay namatay nitong Huwebes ng gabi matapos pumasok sa kuweba para maglatag ng oxygen tanks sa posibleng exit route, sinabi ng SEAL commander.

Samantala, patuloy na naghahanap ang rescuers ng mga alternatibong paraan para mailabas ang soccer team na 13 araw na sa kuweba. Kasabay nito ang kanila ring paghahanda sa posibleng pagbuhos ng malakas na ulan, na lalong magpapahirap at magpapatagal sa rescue operation.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'