Malabong maisulong sa Korte Suprema ang isinampang quo warranto petition laban kay Pangulong Duterte.

Ito ay makaraang ihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang Presidential Electoral Tribunal ang tamang lugar upang maiharap ang anumang hinaing kaugnay ng pagkakahalal ng Pangulo.

“I think it’s a far-shot. I think, it’s not the right venue to begin with because the President is an elective official. The Constitution says that all controversies for the President and the Vice President must be filed in the Presidential Electoral Tribunal,” sinabi kahapon ni Roque sa press conference sa Malacañang.

Matatandaang inatasan ng Kataas-taasang Hukuman ang Pangulo na maghain ng kanyang komento sa nasabing petisyon, na isinampa ni Atty. Elly Pamatong.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nag-ugat ang usapin sa alegasyong ilegal ang certificate of candidacy ni Duterte noong 2016 presidential elections.

Sinabi naman ng Pangulo na siya ay “happy to step down” sakaling nagtagumpay ang nasabing petisyon laban sa kanya.

-Genalyn D. Kabiling