Ipinaliwanag ng Malacañang na ang pisong idinagdag sa minimum na pasahe sa jeepney sa Metro Manila ay epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Inaprubahan nitong Miyerkules ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang provisional fare increase para sa mga pampublikong jeep sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon.

Sa kanyang press briefing kahapon, tiniyak naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaari pa ring ibaba muli ang pasahe sa jeep sakaling bumaba rin ang presyuhan ng petrolyo.

“Yes. So, it’s a result in the increase in the price of petroleum. But we assure you that if the price of petroleum goes down, there would be corresponding adjustments as well,” sabi ni Roque.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Dahil dito, P9 na ngayon ang dating P8 na pasahe sa unang apat na kilometro ng biyahe.

Nauna rito, nangako na ang pamahalaan na magkakaloob ng fuel subsidy sa mga jeepney operator at driver upang maibsan ang matinding epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN) sa mga ito.

-Argyll Cyrus B. Geducos