KHAN AL-AHMAR, Palestinian Territories (AFP) – Tinangka ng European diplomats nitong Huwebes na mabisita ang isang pamayanan sa West Bank na nanganganib sa demolisyon ng Israel ngunit hinarang sila ng mga pulis na marating ang eskuwelahan doon.

Hiniling diplomats mula sa Belgium, Finland, France, Ireland, Italy, Spain, Switzerland at European Union na makabisita sa eskuwelahan sa Bedouin village ng Khan al-Ahmar na pinondohan ng ilang bansa sa Europe, ngunit pinabalik sila sa bukana ng village.

Sinabi ng mga pulis sa lugar na ang area ay idineklarang closed military zone.

‘’We were briefed by local leaders but refused access by security forces to the school,’’ isinulat ng Irish representative office to the West Bank sa kanyang official Twitter feed.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Sinabi ni Consul General of France in Jerusalem, Pierre Cochard, sa mga mamamahayag sa lugar, na ang pag-demolish sa pamayanan ng 173 residente, sa silangan ng Jerusalem sa Israeli-occupied West Bank, ay magiging paglabag sa Geneva convention.