BEIJING (Reuters) – Sinabi ng commerce ministry ng China nitong Huwebes na ang United States ay “opening fire on the entire world”, nagbabala na ang panukalang tariffs ng Washington sa Chinese goods ay tatama sa international supply chains, pati na sa mga banyagang kumpanya sa world’s second-largest economy.

Patuloy na ia-assess ng China ang epekto ng trade dispute at tutulungan ang mga kumpanya na malagpasan ang posibleng shocks, sinabi ni Gao Feng, tagapagsalita ng ministry, sa mga mamamahayag sa regular briefing.

“U.S. measures are essentially attacking global supply and value chains,” ani Gao. “To put it simply, the U.S. is opening fire on the entire world, including itself.”

Nagkomento si Gao sa bisperas ng plano ng Washington at Beijing na magpatupad ng mga taripa sa kalakal ng isa’t isa sa gitna ng umiinit na trade conflict na yumayaig sa financial markets.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Sinabi ni Gao sa reporters na inasahang patuloy na magiging matatag ang foreign trade ng China sa second half, ngunit nababahala ang investors na ang full-blown Sino-U.S. trade dispute ay magkakaroon ng malaking dagok sa Chinese exports at sa ekonomiya nito.